Go to index page

History

User's List

Products

Inquiry Sheet

Fuel Kcal
Water Treatment

Hamada Boiler
Hamada Dayateknindo, pt
Sabgrila Indah Dua, JI.Sakti II, No.15, Ciledug Raya,
Kebayoran Lama, Jakarta 12270 INDONESIA
Tel : +62-21-7353167 , +62-21-73883546
Fax : +62-21-73883402
COALMAC INTERNAL CHAIN STOKER BOILER | Coal Fired Boiler |Products | Home |
| COALMAC BOILER | DESKRIPSYON NG COALMAC | KASAYSAYAN NG COALMAC BOILER |
Hamada Boiler Factory in China

MGA PANLAHATANG DESKRIPSYON
Ang COALMAC ay isang pahalang na tubong may tatlong daanan ng pagsunog. Ito ay kasama sa isang boiler na gumagamit ng coal. Ang kabuuang produkto ay dinisenyo para maging epektibo sa mga matitinding kondisyon ng operasyon. Matibay ang pagkakagawa nito pati ang kabuuang disenyo. Ang mga "stay tube" at "stay bar" ay kinabit ng may maingat na pagsusuri upang masigurado na ang "stressing" ng mga platong pang-tubo at mga pugad na pang-tubo ay ginawa sa mga pinataw na hangganan ng"construction code." Ang boiler ay nilikha sa paggamit ng masusing pagwe-welding. Ito ay dinisenyo at ininhinyero base sa China Boiler Code (katumbas ng ASME Power Boiler 1992.).

INSULASYON/CLADDING
Ang katawan ng boiler ay tinatakpan ng ilang patong ng mga matiryales na pang-insulasyon na mataas ang kalidad. Ito ay pinoprotektahan ng ilang piraso ng matibay na bakal o "stainless steel" bilang panlabas na "cladding." Ang kabaliktarang silid sa may likuran ay tinatakpan ng makapal na palaparan ng "castables" at mga matiryal na pang-insulasyon. Ang mga ito ay may panlabasang gamit. Ang labas ng silid at boiler ay linalagyan ng pinturang nakakatagal sa mataas na temperatura.

ISTRAKTURA NG KATAWAN NG KADENANG PANGKAYOD
Ang kadenang pangkayod na ginawa sa pabrika - Ang disenyo ng pangkayod na may KABUUANG HABA ay ginawa para magbigay ng mas maraming "residence time" sa loob ng silid na pagsusunugan. Dahil dito, nabibigyan ng mainamn na panahon ang coal para lubusang masunog. Matibay ang disenyo at konstruksyon nito. Ang chain stoker ay may ispesyal na disenyo. Ito ay may maliliit na distansya sa bawat palugit para pwedeng ipasok dito ang maraming klase ng Indonesian coal na may iba't-ibang sukat mula sa 50 mm pababa. Ito ay mas praktikal kesa sa mga disenyong para sa malalaking sukat at dami ng coal na alinsunod sa European standard. Ang hanging pang-kombustyon ay dumadaan sa ipesyal na kadena na gumalaw ng paakyat. Malaki ang naitutulong nito sa kombustyon.

DISENYO NG SILID NA PINAGSUSUNUGAN
The furnace extends from the front plate all the way to the rear reversal chamber being of dryback design. This full length fire chamber guarantees an adequate coal residence time resulting to complete combustion. It assures full utilization of all energy from fuel contributing to its overall efficiency, and thereby eliminating the occurrence of discharging the still-burning coal on the ash discharge pit. The boiler is specifically designed to accommodate Indonesia bituminous coal. The furnace chamber between front and rear tube plates is corrugated in design to allow adequate thermal expansion.

ISPESYAL NA KAWING NG KADENAS

Ang mga kawing ng kadena ay gawa sa "specially casted high chrome cast iron." Ang mga karayom ng mga kawing ay ginawang mas malaki at mas matibay. Ang stoker ay pinapatakbo ng makinang may iba't-ibang bilis. Ang kambal na stoker na may TODONG HABA at may "modulating drive" ay inilalagay sa mga boiler na may awtput ng singaw na 15 tonelada pataas.

TRANSPORTASYON NG COALMAC BOILER

Ipinapakita dito ang COALMAC boiler shell (10 tonelada) na asa treyler na may mababang palaparan, handang ipadala sa PT. Acidatama nf Solo galing sa Jakarta pier. Ang timbang ng ipapadala ay 38 tonelada. Ito ay walang "chain traveling grate assembly."

PAGBUBUHAT SA JAKARTA PIER

Ang COALMAC boiler (5 tonelada) ay kararating lamang sa Jakarta pier. Ito ay inilalagay sa treyler na may mababang palaparan gamit ang kreyn. Ang CMC-5 ay may kasamang kadenang pangkayod na nakalagay na sa parilya ng boiler.

CMC-10 TUMATAKBO SA PT.

Beteen Textile Nusantara-BANDUNG - Siksik at maliit ang sukat, ang COALMAC CMC-10 na ipinapakita dito ay tumatakbo sa Bandung ng may 100% pinong coal. Ang yunit ay ikinakabit sa loob ng bilding. Ito ay hindi na nangangailangan ng ispesyal na istraktura ng bilding.

MGA KAGAMITAN NG BOILER

Ang pangharapang "smokebox" ay maaabot gamit ang mga nakabisagrang pintuan na dinisenyo para ito'y madaling buksan. Ang silid ng pinagsusunugan, sa pahanon ng pagpapanatili/pagsasara ng boiler, ay matatagpuan sa pintuan na malapit sa kabalikang silid sa may likuran. Ang mga sari-saring instrumento at metro ng boiler ay makikita sa mga serye ng hagdan at daanan na nakapaligid sa boiler. Ipinapakita sa larawan ang pagpapapdala galing sa pabrika ng Tsina, kasama ang lahat ng parte, maski ang mga hagdanan, para sa madaling pagkakabit.

PUNDASYON NG TRABAHONG SIBIL

Ipinapakita sa larawan ang pundasyon ng CMC-10. Kadalasan, ang boiler ay dumarating sa loob ng 45 - 60 na araw pagkatapos maisagawa ang opisyal na order. Ang pundasyon ng trabahong sibil ay makukumpleto rin ng halos parehong tagal.

EREKSYON GAMIT ANG KREYN

Dalawang kreyn na may timbang na 40 tonelada ay ginagamit upang mabuhat ang COALMAC boiler na may bigat na 10 tonelada galing sa treyler papunta sa pundasyon. Ang larawan ay kinuha habang nage-ereksyon sa PT. Acidatama, Solo.

KAPABILIDAD SA PAGGAWA

Ang taga-pangulo ng Hamada Boiler na si G. Kazuhiro Hamada ay nakatayo sa harap ng tumatakbong pampwersang lalagyan ng modelo CMC-10 sa isang pabrika sa Tsina. Ang pabrika ay may mga sopistikadong kagamitan sa paggawa ng iba't-ibang klase ng boiler na may humigit-kumulang 100 tonelada/H mataas na pwersa na 60 bar.

ANG MULTI-CYCLONE NA TAGA-KOLEKTA NG ALIKABOK

Ito ay may kasamang kumpletong kureya na ginagamit sa pagdidiskarga ng alikabok ng makina sa likuran ng boiler. Kasama rin dito ang "Cyclone" na taga-hiwalay ng alikabok na ginagamit para maipon ang mga maliliit na alikabok na may sukat na 10 microns pataas. Mayroon ding tinutubigang tagakuskos/sistema ng pagbabasa na nakakabit sa may likuran ng pausukan para tuluyang maipon ang mga alikabok na tumatakas gamit ang "cyclone" na taga-hiwalay. Ang huling emisyon ay nagagarantiya sa ibaba ng hangganang ibinibigay ng departamento ng kalikasan ng gobyerno ng Indonesia.

SISTEMA NA MAY MATAAS NA LEBEL NA DCS COMPUTERIZED DIGITAL CONTROL
 
Kasaysayan Listahan ng Gumagamit Produkto Talaan ng Sinisiyasat
Go to Top of this page