Dalawampung taon na ang nakalpas, isang unit ng mga unang Internal Chain Stoker Boiler ang inangkat mula sa UK at inilagay sa isa sa mga nangunungang five-star hotel sa siyudad ng Heilonjian, sa isa sa mga pinakamalamig na lugar sa hilagang Tsina, na kung saan iba ang klase at uri ng uling. Ang uling sa rehiyong ito ay tulad na rin ng uling sa Russia. Sa sumunod na panahon, ang nangungunang tagagawa ng boiler sa siyudad na ito ay gumawa ng internal chain stoker boiler alinsunod sa disenyo sa UK. Ngunit nang ibenta ang boiler na ito sa ibang mga probinsya ng Tsina, nagkaroon ng ilang problema dahil na rin sa iba’t ibang klase at katangian ng uling. Ang uling sa timog Tsina ay katulad ng uling sa Indonesia, at inaayon bilang young bituminous coal. Ang isa sa mga katangi-tanging problema ay ang mababang temperaturang kinakailangan para matunaw ang uling, at ang mataas na laman ng pinong bagay (0-10 mm), na tulad na rin ng 70% ng ROM na uling sa minahan. Ang Heilonjian Boiler Factory ay gumawa ng mga pagbabago sa modelo mahigit 7 beses sa 20 taon, at nasolusyonan na ang problema upang umandar ang Internal Chain Stoker Boiler na ito para sa uling sa mga probinsya ng Tsina, na may uling tulad ng sa Indonesia. Una, pinalitan ang wet back design sa dried back para magkaroon ng mahabang espasyo para sa chain stoker, na pinahabaan sa likod ng boiler shell para may sapat na oras na masunog ang uling. Ang di nasunog na uling na nahuhulog sa dulo ng chain stoker ay din a nagging problema. Ang orihinal na disenyo sa UK ay hindi nakatatanggap ng pinong uling mula 0-10 mm, kaya’t ito’y binago upang tanggapin ito. Higit sa 450 units ang iniluwas sa iba’t ibang probinsta ng Tsina matapos ang mga pagbabagong ito. Ngayong 2003, ang Hamada Boiler sa Japan ay pumasok sa isang exclusive distributorship agreement kasama ng Heilonjian Boiler Factory para ibenta ang Internal Chain Stoker Boiler na ito sa ilalim ng trademark ng COALMAC sa buong mundo, gamit ang network ng Hamada Boiler. Ang larawan ay kinuha noong1992 at pinapakita ang paggawa ng 5 toneladang COALMAC Boiler, kasama ang chairman ng Hamada Boiler. |