Dekada na ang nakalilipas, at patuloy pa rin ang paghahanap ng bansang Indonesia ng mga alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya para mabawasan ng bansa ang kanyang pangangailangan sa importadong langis. Nanunguna pa rin ang krudo sa mga inaangkat ng Indonesia, at sa taong 2000, inaasahang magiging pangunahing taga-angkat ng krudo ang bansa, Patuloy na naghahanap at nagtutuklas ang mga industriya at mga pamilya ng mga alternatibong paraan at panggagalingan ng panggatong at enerhiya. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa nakaraang limang taon, iminumungkasi sa mga industriya ng Indonesia ang paggamit ng "itim na ginto" o "itim na brilyante" ng bansa: ang uling.
Tinatayang may 36 milyong toneladang reserba ng uling ang Indonesia, ngunit 58,7% ng reserbang ito ay "lignite coal" (isang mababang uri ng uling), na may "calorific value" mula 3599 kcal/kg at 4600 kcal/kg. Dahil ang mga "bituminous" at "sub-bituminous" na uling lamang ang maaaring iluwas ng bansa, kailangang umasa sa "lignite" ang Indonesia para matugunan ang pangangailangan nito sa enerhiya. Kinakailangang maghanap ng angkop na teknolohiya para sa "lignite" upang magamit ng husto at wasto ang uling, kung sakali mang makahanap ng mga alternatibong solusyon sa enerhiya na di nakasasama sa kapaligiran at sa ekonomiya.
Upang mabuksan at magamit ang "lignite" ng husto, iminumungkahi ang patuloy na pananaliksik sa maraming puwedeng paggamitan ng uling. Ang "fluidized bed combustion" ay may kapasidad na magsunog ng maraming klase ng panggatong na may iba't-ibang lebel ng tubig at lebel ng abo. Maaari ding klase ng "emission" na kayang matugunan ng prosesong ito, naaayon na rin sa mga problemang isinaad ng National Research Council (DRN) bilang isa sa mga pagsasaliksik sa "clean coal technologies" (CCT). Tugon dito ang isang maliit na "coal-fired fluidized bed boiler" na dinisenyo at ginawa sa Energy Technology Laboratory (UPT-LSDE), BPPT Teknology, PUSPITEK, Serpong sampu na rin ang Hamada Boiler.
Sa mga nakalipas na taon, matinding pananaliksik ang ginawa sa boiler na ito para makasunog ng iba't ibang klase ng panggatong tulad ng ipa, "peat," ibat't ibang uri ng uling, papel, "petrochemical slurry," at mga basura galing sa buko, palmera, mais, at tubo. Sinumang indibidwal o partido sa Indonesia o sa anumang bansa ay maaaring makitugon at sumali sa pananaliksik na ito.
Maaari lamang sulatan o tawagan ang Hamada Boiler, Jakarta tel. 0062-21-735-3167 Fax 0062-21-7388-3402 o e-mail. ENERGY
AUDIT TEAM
Ang "Energy Audit Team" (Mobilized energy audit) BPPT ay patuloy na naghahatid ng kanyang serbisyo sa pamamagitan ng "Energy Edit," kung hilingin man ito ng isang kompanya. Kung kinakailangan ninyong malaman ang "energy balance" ng inyong pabrika, wag po kayong mag-alinlangang tawagan kami. Kami, ang Hamada Boiler Jakarta, ay makiksangguni sa BPPT para gawin ito para sa inyo.
|