Ang goma/plastic ay nangangailangan ng proseso ng gasification para sa lubusang pagsunog. Ang sinunog na goma ay inilalagay sa pangkayod na pinapalamig gamit ang tubig. Ito ay pahahanginan para maitulak pababa ang gas ng piyuwelo at dalhin ang gas sa pangalawang pangyayarihan ng pagsunog kung saan ang kahoy o coal ay gagamitin para mapanitili ang temperature ng parilya. Sa pagdaan ng “gasified” gas galing sa unang lalagyan papunta sa pangalawa, ang karbon ay magkakaroon ng sapat na distansya at panahon matapos ang pagsunog. Ngunit, kailangang mapanatili ang temperatura sa pagkatapos dumaan ng gas sa pangalawang lalagyan na pagsusunugan. Magagawa ito pag nagkabit ng karagdagang pangsunog (oil burner) para makapaglabas ng tamang init sa pagpapanatili ng temperatura. Dahil ditto, ang hindi nasunog na gas ay magkakaroon ng sapat na init para ito’y lubusang masunog bago pumunta sa lugar ng “convection tube” ng boiler kung saan ang temperatura ng gas ay agad-agad na baba sa temperatura ng pagsunog. Ang laki ng karagdagang pangsunog ay depende sa kondisyon ng dumi sa pag-e-eksperimento.
|