Go to index page

History

User's List

Products

Inquiry Sheet

Fuel Kcal
Water Treatment

Hamada Boiler
Hamada Dayateknindo, pt
Sabgrila Indah Dua, JI.Sakti II, No.15, Ciledug Raya,
Kebayoran Lama, Jakarta 12270 INDONESIA
Tel : +62-21-7353167 , +62-21-73883546
Fax : +62-21-73883402
Tagakolekta ng Singaw |Produkto| Home |
Steam Accumulator Ang Pangunahing Batas sa Wastong Paggamit ng Singaw: Huwag Hahayaan ang Singaw na Lumaki na Galing sa Isang Pwersa at Papunta sa Mas Mahinang Pwersa ng Hindi Nakakakuha ng Magagamit na Resulta sa Paglaki.
Sa pagtatalakay ng singaw na ginagamit sa pagpapa-init, mayroong dalawang bagay na laging sinusunod:
    1. Ang tempratura ng pagkulo ng tubig ay bumababa ng dahil sa binawasang pwersa.
    2. Ang init ng singaw ay tumataas ng dahil sa binawasang pwersa.

Hindi Halatang Pagkawala na Hindi Napapansin ng Karamihan
Tayo ay maraming paraan sa pag iimpok ng enerhiya at karamihan sa atin ay tumitingin sa kahit anong paraan kung saan ang pag-iimpok ay lubos na halata ng namamalakad gaya ng pag-bawi ng init ng dumi, pagpapalit ng piyuwelo para bumaba ang presyo sa bawat Kcal. Lahat ng mga paraang into ay nakakapagbigay ng malinaw na resulta sa mga namamalakad gaya ng magkano ang matitipid ng kompanya sa pagka-kalkula ng halaga ng init. Ngunit, sa kaalaman ng may-akda, karamihan ng gumagamit ng singaw ay hindi alam na sila ay nalulugi sa bawat segundo na ang kanilang mga boiler ay tumatabo ng may pabago-bagng pwersa. Maraming tao ang naniniwala na ang kahit anong init ay kayang bumuo ng pwersa sa anyo ng singaw na may konsiderasyon ng pagkawala ng init na nagpapakita ng pagbaba sa pagiging epektibo ng boiler. Ayon sa kanila, ang inimpok na pwersa ay pabago-bago. Ito ay nakakakuha raw ng singaw na katumbas ang pwersa sa pag-iimpok ng enerhiya. Hindi man halata pero ito ay maling konsepto. Maraming enerhiya at pera ang nasasayang dahil ang mga boiler ay tumatakbo ng may pabago-bagong pwersa. Tuwing bumababa ang pwersa, ikaw ay nawawalan ng pera. At sa sitwasyon na biglaang tumaas ang pwersa ng boiler lampas sa kinakailangang lebel, ikaw rin ay nawawalan ng pera. Aking lilinawin kung bakit nangyayari ito at kung papaano ito mapipigilan.

Ang Pundamental ng mga Molekyul ng Singaw
Ngayon ay tatalakayin natin ang mga katangian ng mga molekyul ng tubig. Ang molekyul ng tubig ay tuluyang gumagalaw at ang bilis ng kanilang pag-galaw ay depende sa kanilang temperatura. Kung mas maiinit ang tubig, mas mabilis ang galaw ng kaniyang mga molekyul. Dahil sa kawalan ng espasyo at sa kanilang pag-galaw, ang banggaan ay nagaganap. Ang resulta ng malawakang banggaan ng mga molekyul ay may mga molekyul na, sa ilang sandali, mas mabilis ang galaw kesa sa mga bumagal ng dahil sa banggaan. Habang umiinit ang tubig, pabilis ng pabilis ang galaw ng mga molekyul at maraming mga molekyul ang nakakatakas. Sa lebel ng tubig sa pwersa ng hangin, ang mga molekyul ng tubig sa hangin at molekyul ng tubig ay laging naglalaban. Ang mga molekyul ng hangin ay bumababa dahil may dala itong tubig. Maraming molekyul ng tubig ang tumatalon sa taas ng lebel ng tubig at marami ring molekyul ng hangin ang bumababa at sumasama sa tubig.

Ang Init ay Enerhiya
Ang init ay isang uri ng enerhiya. Kapag dinagdag ang init sa isang bagay, ang init ay iniimbak nung bagay at nagiging karagdagang pag-galaw ng kaniyang mga molekyul. Ito ay mekanikal na pag-galaw at mekanikal na enerhiya. Habang lumalaki ang timbang na kailangang i-urong ang isang bagay, lumalaki rin ang kinakailangang enerhiya para maurong ito.

Ano Ang Pwersa
Ang pwersa na linalabas ng gas o hangin ay galing sa maraming kolisyon ng mga molekyul na kadalasang bumabangga sa kaduluhan ng hangin. Pag dinagdagan ng init ang gas o hangin sa isang lalagyan, bibilis ang galaw ng mga molekyul at dahil dito, tataas ang temperatura. Ang mabilis na pag-galaw ng mga molekyul ay nangangailangan ng mas malaking espasyo, kaya lumalaki ang sukat ng hangin. Pag pinigilan ang paglaki ng hangin sa loob ng isang silyadong lalagyan, titindi ang pagbabanggaan ng mga molekyul, sa gayon lumalakas ang pwersa.

Pwersa ng Hangin
Kung ang pwersa sa lebel ng likido ay dala ng hangin o mga molekyul ng hangin, ang mga molekyul na pilit tumatalon palabas ng tubig ay nagbibgay ng pwersa sa hangin na asa ibabaw ng tubig. Ang pwersa kung saan ang pagtakas ng mga molekyul ng tubig ay binabalanse ang pangibabaw na pwersa ay tinatawag na Pang-hanging Pwersa ng Likido.

Punto ng Pagkulo ng Tubig
Habang nadaragdagan ang init sa tubig, tumataas ang temperatura, at maraming molekyul ang nagnanais tumalon palabas ng tubig. Marami sa mga molekyul ng tubig ay kusang napapabalik sa likido. Dahil dito, ang kabuuan ng dagdag na enerhiya ng init ay napapanatili habang bumibilis ang paggalaw ng mga molekyul ng likido. Habang ang pagdadagdag ng init ay nangyayari, aabot ito sa punto na ang grupo ng mga molekyul na gumagalaw pataas ay tatalunin ang pwersa ng mga pababang molekyul ng hangin. Ang pwersa ng tubig sa hangin ay maitutulak pataas ang pwersa na nakatakip sa tubig. Dahil sa pagkakapanalo ng mga molekyul ng tubig, ang mga ito ay may laya nang iwanan ang tubig habang mayroon silang sapat at tuloy-tuloy na enerhiya para talunin ang pwersa na nakatakip sa tubig. Sa puntong ito, imposible nang maitaas ang temperatura ng tubig kasi ito ay magdadagdag sa pwersa ng singaw na aakyat ng tuluyan dahil natalo na nito ang pwersang nakatakip sa tubig. Ang temperatura habang ito ay nagaganap ay tinatawag na Punto ng Pagkulo ng Tubig

Nawawalan Ka ng Pera sa Tuwing Bumababa ang Pwersa
Sa pagalam ng mga katagian ng singaw at ang mga molekyul nito, atin namang talakayin kung papaano pipigilan ang pagkawala ng malaking halaga ng enerhiya dahil sa pagbabago-bago ng pwersa. Mayroong tatlong kaso sa ganitong pangyayari: ang hindi nagbabagong pwersa, ang pagbaba ng pwersa, at ang pagtaas ng pwersa.

Hindi Nagbabagong Pwersa
Kung ang boiler ay tumatakbo ng may hindi nagbabagong pwersa, ang pwersa ng singaw ay katumbas ng pwersa na nakatakip sa tubig. Ang resulta ay napapanatili ang pwersa ng singaw sa tubig at ang punto ng pagkulo. Kapag walang nagbago sa dalawang paktor ng hindi nagbabagong pwersa, ang kahit anong init na idagdag sa lalagyan ay hahayaang tumakas ang mga molekyul na pilit lumalabas. Ang resultang ebaporasyon ay nagagawa ng may perpektong epektibidad dahil ang lahat ng init ay nalilipat sa singaw. a

Pagbaba ng Pwersa
Kapag bumaba ang pwersa sa boiler, ang pwersa na nakatakip sa tubig ay hihina. Ang mga molekyul ng likido ay makakasalubong ng mas kaunting harang kaya't makakatakas ang mga ito ng mas madali. Ang tubig ay kayang maglabas ng sapat na pwersa sa mas mababang temperatura, kaya ang punto ng pagkulo ay bumababa sa pagbaba ng pwersa. Ang tubig ay agad-agad na mapipilitang maglabas ng enerhiya sa singaw dail hinahayaan nitong tumakas ang molekyul. Ang linabas na enerhiya ay katumbas sa pagkakaiba ng init ng unang pwersa at init ng mas mababang pwersa. Ang paglalabas ng enerhiya ay nagyayari ng dalian para ang kabuuang lawak ng tubig ay magagamit sa total na pagbuo ng singaw na may tumbas na pagbuo ng singaw (Kg/m2 ng singaw) sa kinauukulang pwersa. Sa makatuwid, ang enerhiyang ito ay galing sa enerhiya na dala ng tubig at hindi dun sa dinagdag na init. Pagkatapos maitumbas ang pwersa na nakatakip sa tubig sa pwersa ng singaw, wala nang makakatakas na molekyul pag wala ang dulong ng karagdagang init para talunin ang pwersa na nakatakip sa tubig. Sa puntong ito, basta't hindi nagbago ang pwersa na nakatakip sa tubig, ang lahat ng karagdagang init ay lubusang magagamit sa pagbuo ng singaw. Sa panahong maging magkatumbas ang dalawang pwersa, ang singaw na lumalabas sa boiler ay galing sa naipong init ng tubig (tawagin natin itong panahon ng pagdidiskarga). Ang pabrika ay hindi makakakuha ng benepisyo o mainam na resulta galing sa tuloy-tuloy na pagsunog ng piyuwelo na nangangahulugan ng malaking kawalan ng enerhiya sa bawat pagbaba ng pwersa.

Pag-Akyat ng Pwersa
Kapag ang pwersa ay umakyat, ang pwersa na nakatakip sa tubig ay naging mas malakas kesa sa pwersa ng singaw. Ang mga tumatakas na molekyul ay sasalubungin ng pwersa sa taas na pinipigilan ang pagkakalat ng mga molekyul. Sa panahong ito, titigil ang ebaporasyon ng singaw. Ang tubig ay makakakuha ng karagdagang init na magtataas ng impok na init ng tubig. Dahil dito, tataas din ang pwersa ng tubig na katumbas ang pwersa na nakatakip sa tubig. Pati ang temperatura ng punto ng pagkulo ay tataas din. Sa sandaling maging pantay ang dalawang pwersa, ang ebaporasyon ay magsisimula muli. Sa panahon ng pagtanggap ng enerhiya ng walang ebaporasyon (tinatawag itong Panahon ng Pag-Iipon ng Enerhiya), lahat ng enerhiya na galing sa karagdagang init ay ginagamit para sa pagtataas ng temperatura ng init na dala ng tubig ng hindi dumadaan sa proseso ng ebaporasyon. Kailangan niyong tandaan na ang kailangan mo ay ang init galing sa singaw at hindi ang init na sadyang dala ng tubig. Ang pabrika ay hindi makakakuha ng benepisyo sa dalang init ng tubig dahil ito ay asa looban ng tubig. Ang potensyal na init lamang ang dadalhin ng singaw. Kayo ay nawawalan ng pera sa tuwing mangyayari ang ganitong pangyayari. Kung may makikipagtalo na ang karagdagang init sa panahon ng pag-iipon ng enerhiya ay ginagamit para palakasin ang pwersa maski na walang ebaporasyon kaya walang nasasayang na pwersa, ang masasabi ko lamang ay maaaring tama siya kung kinakilangan niyang palakasin ang pwersa sa panahong iyon. Subalit, kung ang pagpapalakas na pwersa ay hindi kinakailangan, ang karagdagang init na walang ebaporasyon ay magiging dulot ng pagsayang ng pera sa kaniya dahil ang pwersa ay kailangang bawasan tungo sa lebel na kaniyang kailangan ng madalian pagkatapos ng pagtataas ng pwersa. Ito ay magdudulot ng isa pang sitwasyon kung saan ang pera ay nasasayang dahil sa biglaang pagbaba ng pwersa.

Komputasyon ng Pagkawala ng Dahil sa Pagbaba ng Pwersa
Halimbawa, kapag inobserbahan natin ang kaso ng isang maliit na “shell boiler” na may 4 tonelada/H na kapasidad, ang linalamang tubig nito ay maaaring 7 M3 at ang linalamang singaw ay 3 M3 sa loob ng balat. Ating i-konsidera na yung boiler ay tumatakbo ng may 9 Kg/cm2 na pwersa at tingnan natin kung ano ang mangyayari kung ang kung ang pwersa ay hinayaang bumaba sa halagang 8 Kg/cm2 at umakyat ng 10 Kg/cm2. Pig.-1) Kung ang tubig ay umo-okupa ng 7 M3 na espasyo, ito ay magtitimbang ng 7 m3/ 0.001118 = 6,261 Kg na may 9 9Kg/cm2 na pwersa. Sa kaso ng pagbaba o paghina ng pwersa, ang pagbaba ng pwersa ng 1 Kg/cm2 ay magpapababa ng inipong init ng 181.2 – 176.4 = 4.8 Kcal/Kg. Ito ay magdudulot ng (4.8 x 6,261) / 485.6 = 61.89 Kg ng singaw.

(a) Ipalagay natin na singaw ay bolyum na 3 M3. Ang bigat ng singaw sa kaniyang espasyo ay 9 Kg/cm 15.14 Kg na timbang ng singaw sa kaniyang espasyo na 8 Kg/cm2 13.70 Kg singaw na kalakip ng ekspansyon 1.44 Kg ng singaw

(b) Pag hinayaang bumaba ang pwersa ng 1 Kg/cm2, ag makukuha natin ay (a) + (b) = 63.33 Kg ng labis na singaw sa boiler na nagbubuo ng 3600 Kg/H (90% kargada) o 60 Kg ng singaw/H. Ang labis na singaw ay nagre-representa ng halos 1 minuto ng pagsisingaw. KASO NG 1 KG NG PAGTAAS NG PWERSA A pagtaas sa pwersa ng I KG galing sa 9 Kg/cm2 – 10 Kg/cm2 ay hahayaan ang boiler lumunok ng 57.6 Kg ng singaw o katumbas ng 50 segundo ng pagsisingaw. (Sundan ang parehong pormula sa pag-kalkula.) Ang pagbabago ng pwersa na 1 Kg/cm2, kung ang pagbabago ay hahayaan, ay magbibigay sa boiler ng 200 porsyento ng kargada sa 1 minuto para umabot sa todong pangangailangan o sero na produksyon ng halos 1 minuto para makaabot sa lambak. Galing sa halimbawang ito, makikita natin na ang bolyum ng singaw ay may hindi mainam na halaga ng pag-iipon pag kimumpara sa bolyum ng tubig. Sa pagbaba galing sa 9 Kg/cm2 papuntang 8 Kg/cm2 ang tubig ay nagbibigay ng 61.89 Kg ng singaw kung saan ang espasyo ng singaw ay nagbibigay lamang ng 1.44 Kg ng singaw. Sa madaling salita, may 8.84 Kg/M3 ng singaw na binibigay galing sa espasyo ng tubig, ngunit ang espasyo para sa singaw ay nagbibigay lamang ng 0.48 Kg/M3 ng singaw. Bolyum para sa bolyum ng tubig ay nagbibigay ng 16 beses na laki ng lalagyanan ng singaw pati ang espasyo ng singaw sa tumbas ng pwersang kinokonsidera. PAANO PIGILAN ANG PAGKALUGI SA PAGBABA NG PWERSA Ang pangunahing problema ay ang patuloy na pagsunog habang PANAHON NG PAGDIDISKARGA pag ang KARAGDAGANG INIT ay hindi kinakailangan. Sa kasong ito, ang sagot ay ang pagkakabit ng isa pang Lalagyan ng Pwersa na walang SISTEMA NG PAG-IINIT (Lalagyan na “Unifired) para suportahan ang PAGKARGA at PAGDISKARGA ng enerhiya ng hindi tumatanggap ng KARAGDAGANG INIT. Ang lalagyan na “unifired” ay ang “ACCUMULATOR” O TAGA-KOLEKTA NG SINGAW. Gusto niyo na ang pagproproseso ng pwersa ng singaw ay matatag pero hindi kayo puwedeng umasa na ang pagproproseso ng halaga ng agos ng singaw ay hindi magbabago, gaya ng pagproproseso ng hinihinging singaw ay pabago-bago. Gusto niyo rin na ang pwersa ng boiler ay matatag kasama ang hindi nagbabagong halaga ng agos ng singaw. Ang taga-kolekta ng singaw ay magiging “KUTSON” O “TAGA-SALO” sa gitna ng boiler na base sa singaw at ang kargada para makuha lahat ng pagbabago sa pwersa at makapag-responde sa todong kargada at sa lambak ng pagpro-proseso ng hinihinging singaw ng hindi gumagamit ng pagsunog. KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA TAGA-KOLEKTA NG SINGAW Ang taga-kolekta ng singaw ay kayang mag-imbak ng singaw na as anyo ng tubig. Ang pag-iimbak ng singaw sa anyo ng singaw ay nangangailangan ng malaking espasyo at ito ay hindi praktikal. Ang enerhiya ng singaw na galing sa boiler ay papasok sa taga-kolekta ng singaw na naglalaman ng tubig na umo-okupa ng 90% ng espasyo ng lalagyanan. Ang enerhiya ay iiimbak sa anyo ng naipong init sa tubig at mapanatili ang tubig sa estado ng pagkulo. (PAGKAKARGA ng gamit ang NAIPONG O DALANG INIT). Kapag ang pagpro-proseso ng hinihinging singaw ay kinakailangan, ang pinrosesong tubig ay kaagad na maglalabas ng enerhiya sa anyo ng Inimbak na Init. Ang bagay na dapat tandaan ay ang ginagamit lamang sa boiler ay ang Inimbak na Init. Ang Inipong Init ng tubig sa boiler o sa ikokondensa ay HINDI GINAGAMIT.

MGA PAKINABANG NG TAGA-KOLEKTA NG SINGAW

((1) PIPIGILAN ANG PAGKALUGI AT GAGAWIN ITONG PAKINABANG.

(2) ANG PAGIGING EPEKTIBO NG BOILER AY MADARAGDAGAN NG HIGIT-KUMULANG 5%. ITO AY MAGDADAGDAG SA GINARANTIYANG EPEKTIBIDAD NG GUMAWA NG BOILER.

(3) ANG TULOY-TULOY NA PAGPROPROSESO NG PWERSA NG SINGAW AY PATATAASIN ANG BISA AT KALIDAD NG IYONG MGA PRODUKTO. TATAAS ANG KALIDAD AT EPEKTIBIDAD NG MGA PROSESO.

(4) TATAKBO ANG IYONG BOILER NG MAS MABABA SA HINIHINGING HALAGA NG TODONG KARGADA. MAS MABABA ANG KINAKAILANGANG ILABAS NA KAPITAL PARA SA BOILER NA MAY TAMANG KAPASIDAD.

(5) IKAW AY LAGING MAY RESERBANG SINGAW NA PUWEDENG GAMITIN SA MGA PANAHONG WALANG OPERASYON. ANG RESERBANG SINGAW AY MAAARING GAMITIN NG 8 ARAW NG HINDI KINAKILANGAN ANG PAGKAKARGA NG ENERHIYA.

(6) ANG RESERBANG SINGAW AY MAKAKATULONG SA PANIMULA NG MGA OPERASYON.

(7) ANG LEBEL NG PAGIGING TUYO NG SINGAW AY TUMATAAS DEPENDE SA GINAGAMIT NA TAGA-KOLEKTA NG SINGAW.

(8) KAPAG GINAGAMIT SA “STEAM AIR-CONDITIONING” O PAGPAPALAMIG NG SINGAW, MALAKI ANG PERA ANG NATITIPID. BOILER NA MAY MARAMING LALAGYAN PARA SA KARGADA vs. BOILER NA KAKAUNTING LALAGYAN NA NAPUPUNO NG KARGADA

Sa larangan ng pagiimbak, para ma-akomoda ang pabago-bagong halaga ng kargada, kapag mas malaki ang kapasidad ng inyong boiler, mas maayos ito sa operasyon. Sa larangan ng pagsunog, para ma-akomoda ang pabago-bagong halaga ng kargada, ang mga boiler na mas magaan ang kargada, sa kaso na maraming boiler ang ginagamit ng saby-sabay, ay mas mainam para sa mga operasyon dahil ang pagdadagdag ng kargada ay nagpapaliit ng kapasidad ng mga boiler, lalo na pag ang kargada ay dinadala ng kakaunting boiler. Subalit, maraming inhinyero ang gumagawa ng paraan para tumakbo ang operasyon ng kakaunting boiler lamang ang ginagamit para mabawasan ang pagkasayang ng “radiation” o enerhiya. Sa tingin nila, kapag tatlong boiler lamang ang ginagamit para sa trabaho ng apat na boiler, kaapat ng sinasabing nasasayang na enerhiya ang natitipid. Ang paraan na ito ay gumagana, ngunit lubhang bumababa ang epektibidad ng mga tumatakbong boiler. Mas epektibo ang mga boiler na tumatakbo ng may 2/3 hanggang 3/4 na kargada kumpara sa boiler na puno ng kargada. Ang karagdagang epektibidad ng paggamit ng apat na boiler ay maaaring umabot sa 4-5% at ang halaga ng matitipid sa epektibong pagtakbo ng mga boiler ay magpapatunay na mas mainam para sa operasyon ang may karagdagang boiler. APLIKASYON AT KALKULASYON NG DISENYO NG TAGA-KOLEKTA NG SINGAW…SIMPLENG DISENYO NG TAGA-KOLEKTA NG SINGAW Ang tinutukoy na taga-kolekta ng singaw ay makikita sa Fig -2. Mayroon itong malaking lalagyan na bilugan. Linalagyan ng tubig ang 9/10 ng kapasidad nito. Kadalasan, mas epektibo ito kapag kinabit ng pahalang dahil ang pagkakaayos ay makakapagbigay sa taga-kolekta ng singaw ng pinakamalaking posibleng kapasidad ng tubig para sa liberasyon ng naka-imbak na singaw. Ang isang tubo A ay papasok sa taga-kolekta ng singaw at ang singaw ay puwedeng pumasok o lumabas sa taga-kolekta ng singaw gamit ang tubong ito. Kapag ang dami ng singaw at konsumo ng singaw ay nagpareho, hindi posibleng umagos papasok o papalabas ng tubo ang singaw. Walang buting maidudulot ang sabayang pagkakarga at diskarga ng taga-kolekta ng singaw, para isang tubo lamang gagamitin. Ang kontrol ng taga-kolekta ng singaw ay ginagampanan ng dalawang barbula B at C. Ang kanilang mga partikular na aksyon ay isasalaysay mamaya. Pag ang singaw ay dumaan sa taga-kolekta ng singaw gamit ang barbula B, ito ay dadaan sa pang-kargang tubo D dahil ang walang balikang barbula E ay hinaharangan ito. Ang papasok na singaw ay bubuksan ang pangkarga ngunit walang balikang barbula F at papasok sa pangkargang lagusan G kung saan maraming bukasan ang nakakakbit. Ang mga bukasan H, kahit na nakaturo pababa, ay itutulak pataas ang singaw at dadalhin sa mga pang-kombeksyong tubo K.

Ipinapakita sa Fig-3 ang isang pinalaking seksyon ng bukasan. Ang bukasan ay tumutulong para magkaroon ng mabilisang sirkulasyon. Sinisigurado nito na ang tubig ay madaling mahahalo sa taga-kolekta ng singaw. Sinisiguro din nito na ang singaw ay mabilisang mako-kondensa ng walang ingay at pagkalog. Pag nagkakarga, ang pwersa ay tumataas sa taga-kolekta ng singaw. Tumataas din ang punto ng pagkulo ng tubig at pinapayagan ang mas maraming singaw na ma-kondensa at init na maimbak. Kung ang pang-kontrol na barbulo C ay maglulunsad ng pagdidiskarga ng singaw sa taga-kolekta ng singaw, ang pwersa sa tubo A ay mas hihina sa pwersang hawak ng lalagyan. Ang walang balikang barbulo F ay magsasara at haharangan ang daanan ng tubig. Ang walang balikang barbulo E ay magbubukas at hahayaang makatakas ang singaw. Ang bumabang pwersa sa taga-kolekta ng singaw ay hahayaang maging kislap ang init ng tubig. Ang bukasan L ay pipigilan ang agos ng singaw. Dahil dito, ang singaw ay hindi makakapag diskarga ng masyadong mabilis na puwedeng magdulot ng “priming.” KAPASIDAD NG IMBAKAN NG TAGA-KOLEKTA NG SINGAW Ang dami ng singaw na kayang ilabas ng mainit na tubig para gawing kislap ay natalakay na sa mga naunang seksyon. Ang tubig na asa taga-kolekta ng tubig na tumatakbo ay laging asa temperatura na pagkulo ng tubig na kinakilangan para sa pwersa na asa loob ng lalagyanan. Ito ay kinakailangan dahil kapag ang tubig na ang temperatura ay mas mababa sa punto ng pagkulo, ang singaw na asa taas nito ay magdudulot ng kislap hanggang ang pwersa ng mga singaw ay magpareho. Ang kapasidad ng taga-kolekta ng singaw para sa pagbaba ng pwersa ay mas malaki para sa mababang pwersa kesa sa mataas na pwersa. Magbibigay ako ng halimbawa na magpapatunay nito. Kuha tayo ng serye ng 2 Kg/cm2 na pagbaba ng pwersa at silipin ang mga epekto nito. Ang Ipong Init at Inimbak na Init na asa sukat na pwersa ay nakasaad sa ibaba. Alamin natin kung gaano karaming bagong buong singaw na may 2 KG/cm2 na pwersa ang pwedeng i-imbak sa 1000 Kg ng tubig ng may 100 oC. Sabihin natin na ang X = (Kg ng singaw na kailangang iimbak) (1000 x 99.12) + (X x 650.30) = 66.32 Kg Kung ang pwersa ay binawasan at naging 0 Kg/cm2, ang labis na init na maaaring para sa kislap ay ang diperensya ng Ipong Init sa pagitan ng dalawang pwersa; 133.40 – 99.12 = 34.28 Kcal/Kg at ang kabuuang singaw na kislap ay (1000 + 66.32) x 34.28 539.40 = 67.77 Kg ng singaw na asa 0 Kg/cm2 Kapag sinuri ang ibang interbal ng pwersa at may panimulang 1000 Kg ng tubig, ang makukuha natin ay ang PAGKAKARGA / KAPASIDAD NG SINGAW NA MADISKARGA SA BAWAT 1000 KG NG TUBIG sa partikular na sukat ng pwersa.

Fig.(5) Makikita na mas maraming singaw ang kayang ilabas kesa sa kayang ipasok dahil ang kabuuang init sa loob ng bagong-buong singaw ay mas higit sa kabuuang init ng singaw sa mas mababang pwersa. Subalit, ang pagkawala ng radyasyon sa taga-kolekta ng singaw, maski na maliit, ay kayang i-kansela ito dahil ang pagkawala ng init ay nagreresulta sa kondensasyon. Para sa prakatikal na rason, maaari nating sabihin na ang awtput ng taga-kolekto ng singaw ay may parehong timbang sa input. SUKAT NG PAGDISKARGA SA TAGA-KOLEKTA NG SINGAW. Ang sukat kung saan ang taga-kolekta ng singaw ay hahayaang madiskarga ay nalilimitahan ng sukat kung saan ang ebulisyon ay maaring maganap sa tubig ng walang “entrainment” sa mga patak ng tubig. Ipinapakita sa FIG. (5) ang todong sukat ng rinerekomendang pagdidiskarga base sa aming malawak na ekspiryensya. Ipinapakita ng FIG. (7) na kung ang taga-kolekta ng singaw ay mapuno ng 90%, ang tubig ay tatayo ng 84% at ang lebel ng tubig ay magiging 73% ng serpeys at ng “diameter” o lawak. Maari nating gamitin ang talaang ito para makalkula ag serpeys ng tubig sa loob ng lalagyan. Ito ay kinakailangan para malaman ang bilis ng ebaporasyon sa dami ng singaw bawat oras na pwedeng ilabas sa bawat SQ. Ang metro ng lebel ng tubig ay naka-pirmi sa isang partikular na temperatura. Galing sa Fig (6), (7) at (8), maaari na nating madisenyo ang pinaka-naaangkop na taga-kolekta ng singaw base sa mauungkat na impormasyon tungkol sa boiler at pinrosesong singaw ng kliyente. PANUKAT NG PAGSUNOG NG BOILER May nakadikit sa taga-kolekta ng singaw na isang pampwersang tubo na papunta sa isang espesyal na sukatan ng pwersa. Ang sukatan ay nakakabit sa isang posisyon na madaling makita sa sahig kung saan nagaganap ang pagsunog sa boiler. Ang taga-kolekta ng singaw ay hinahayaang tumakbo ng may patuloy na kargada ang boiler. Itong patuloy na kargada ay dapat tumumbas sa karaniwang kargada. Ngunit, ang karaniwang kargada ay hindi lamang magbabago sa bawat araw, ito rin ay puwedeg magbago sa loob ng isang araw. Dapat mayroong gamit na magsasabi sa boiler na naabot nito ang karaniwang kargada. Ang ispesyal na panukat ng pwersa ang gumaganap ng tungkuling ito. Ipalagay natin na ang taga-kolekta ng singaw ay dinisenyo para magtrabaho ng higit sa pagitan ng pwersa ng boiler at pamprosesong pwersa. Habang ang boiler ay tumatakbo ng may hindinagbabagong sukat, ang pwersa sa loon ng taga-kolekta ng singaw ay pabago-bago sa pwersa ng boiler at pamprosesong pwersa. Walang kailangang gawin para ayusin ang sukat ng pagsunog ng boiler kung ang panukat ng pwersa ay nagsasabing asa “SUKAT NG PATULOY NG PAGSUNOG” ayon sa kondisyon ng pabrika. Ngunit, kung ang panukat ay patuloy na nagpahayag ng mensaheng “Dadgagan, ang sukat ng pagsunog ng boiler ay kailangang ayusin. Gaya ng nauna, kung ang panukat ay nagsasabing kailangang bawasan ang sukat ng pagsunog, kailangan din itong ayusin. Ang pagbaba ng pwersa sa boiler ay “hindi papansinin”ng panukat, hanggang ang panukat ay humingi ng pagbubuo ng singaw muli. Gamit ang panukat, maaari nating ayusin ang karaniwang sukat ng pagsunog para umugnay sa “true temporary average demand” at ang taga-kolekta ng singaw ay magagampanan ang todo nitong panksyon na pagtuwid ng mga tuktok at lambak. ART (7) PAGKAWALA NG INIT SA TAGA-KOLEKTA NG SINGAW Ang taga-kolekta ng singaw ay kadalasang naantala ng 100-125 mm kapal ng primerong klase ng pang-aantala. Pagkatapos, ito'y mabagal na nawawalan ng init.

Fig-(10) Ipinapakita sa Fig (10) ang pagkawala ng init na kinunpirma ng isang pagsusuri sa taga-kolekta ng singaw sa loob ng 8 araw. Sa mga panahong iyon, walang singaw na tinanggal o ilinagay sa taga-kolekta ng singaw. Ipinapakita na ang pagkawala ng init ay nagdulot ng pagbaba ng pwersa sa markang 0.7 Kg/cm2 bawat araw. Ang pagkawala ng init ay tumototal sa 8.058 Kcal/M2/oC/Oras na lubhang mababa. Kadalasan, ang taga-kolekta ng singaw ay nakatakdang mangolekta ng singaw para sa iilang oras lamang, pero sa Fig (10) ipinapakita kung gaano ito ka-importante. Halimbawa, sa planta ng asukal, sa paghihinto ng operasyon tuwing Sabado, ang kargada ng enerhiya ng boiler at ng taga-kolekta ng singaw ay mas matagal mamatay kesa sa kargada ng pinrosesong singaw. Mas mainam na maitago ang singaw kesa masayang ng dahil sa labis na pagproproseso. Pagkatapos ng ilang linggo ng pag-iimbak ng singaw, ang mga nagmamanman ng boiler ay maisasaayos ang mga bagay para ang taga-kolekta ng singaw ay wala nang laman bago patayin ang mga pamprosesong kagamitan, habang ang makinang nangangasiwa sa enerhiya ay nananatiling tumatakbo. Ginagawa ito para ang taga-kolekta ng singaw ay epektibong makapag-imbak ng singaw bago mamatay ang makinang nangangasiwa sa enerhiya. Ang singaw na naipon ay maaring gamitin sa dulo ng linggo para sa kantina at sa pagi-init ng mga makinang pamproseso sa simula ng operasyon sa Lunes, habang binubuksan ang boiler. MGA BENEPISYO NG MABILIS NA PAG-RESPONDE NG TAGA-KOLEKTA NG SINGAW SA TODONG KARGADA NG HINDI NAGDUDULOT NG PAGBAGSAK SA PWERSA Ang taga-kolekta ng singaw ay kayang mag-imbak ng sapat na singaw na parang kinakargahang baterya. Ito ay madaliang maglalabas ng singaw at agad-agad na reresponde sa todong kargada ng hindi itinataas ang sukat ng pagsunog ng boiler. Pinipigilan nito ang pagbaba ng pwersa na dulot ng todong kargada habang ang boiler ay nahihirapang rumesponde ng mabilisan. Ang halimbawa-1 ay nakuha sa isa naming kliyente, isang pagawaan ng tela. Ang sukat ng pag-agos ng kanilang pinrosesong singaw ay naglalaro sa 1.2 hanggang 2.6 tonelada/oras. Habang asa 16 oras na operasyon (dalawang “shift” o termino), mayroon lamang 2 beses (ang isa ay nagaganap ng 6:00 AM at ang kasunod ay magaganap ng 1:30PM) kung saan ang proseso ay mangangailangan ng todong kargada na 2.6 tonelada/oras sa loob ng isang oras. Pagkatapos ng isang oras na may todong kargada, ang sukat ng agos ng singaw ay babalik sa normal, na nagmamarkang 1.2 – 1.5 tonelada/oras. Para sa kliyenteng ito, aming iminungkahi na kumuha sila ng 2 toneladang boiler para maka-takbo sa di nagbabagong sukat ng pag-agos na 1.6 tonelada/oras, sa halip na bumili ng 3 toneladang boiler para maabot ang todong kargada na 2.6 tonelada/oras kung saan bumababa ang pangangapital sa boiler at napipigilan ang pagtakbo ng 3 toneladang boiler ng may mababang marka o “rating” (mas mababa sa hindi magastos na marking higit-kumulang 60-70% ng kapasidad ng boiler). Mayroon silang taga-kolekta ng singaw na dinesenyo para magkarga ng labis na singaw pagkatapos ng 5 oras, at magdiskarga pag ang sigaw ay kinakailangan pagkatapos ng 1 oras ng todong kargada na nangyayari ng 2 beses sa bawat araw. Ang bawat araw ay may saklaw na 2 termino. Sa ganitong ayos, ang boiler na may markang 2 tonelada/oras ay patuloy na tumatakbo sa markang 1.6 tonelada/oras para lubusang magamit ang epektibidad nito sa pagtitipid ng piyuwelo. Kapag umabot na sa todong kargada, ang pagproproseso ng pwersa ng singaw ay hindi bababa dahil ang taga-kolekta ng singaw ay kayang magdiskarga ng singaw gamit ang pangunahing linya ng tubo, habang ang boiler ay kinakailangan dagdagan ang marka ng pagsunog. Ang HALIMBAWA-II ay kaso ng isang plantang nagproproseso ng papel sa loob ng 24 oras sa isang araw. Tatlong boiler (nagsusunog ng balat) na pinapatakbo sa pamamagitan ng langis na may 5 tonelada/oras na kapasidad ang tumatakbo ng may isang “header” sa pwersang 5 Kg/cm2. Ang pinrosesong singaw na kinakailangan ay nagbabago-bago gaya ng pinapakita sa grap ng agos ng singaw (asa itaas). May dalawang malaking lambak sa oras na 6:00Am at 12:00 ng hapon, sa panahong nagpapalit ng termino sa umaga at sa tanghali. Sa natitirang panahon ng araw, ang agos ng singaw ay gumagalaw sa pagitan ng 7.5 tonelada/oras at ang todo na 12 tonelada/oras. Kami ay naglaan ng taga-kolekta ng singaw na may kapasidad na 65 M3. Kaya nitong kumuha ng kinakargang singaw mula sa lahat ng lambak ng (a) hanggang (h). Mabilisan din itong nakakapag bigay ng kinakailangang singaw, sa pamamgitan ng pagdidiskarga ng singaw sa bawat todong kargada na (1) hanggang (7). Ang pagkakarga at pagdidiskarga ay mag-isang gagawin ng lubusan ng makina o ng mga barbulang “pneumatic” na rumeresponde sa pwersa ng singaw na asa pangunahing linya. Ito ay didiretso sa pamprosesong linya. Ang mga pagbabago ng pwersa ng pinrosesong singaw na hihigit o bababa sa hinandang pwersa na 4 Kg/cm2 ay agad-agad na sesenyas sa makina o sa nga barbulong “pneumatic” para mag-responde (gaya ng ineksplika sa Fig.-2). Dahil dito, ang pwersa ng pinrosesong singaw ay napapanatili sa 4 Kg/cm2 ng lagian. Ang boiler ay tatakbo sa nakapirming pwersa na 12 Kg/cm2 na may marka ng pirming agos na 9 tonelada kada oras, 24 oras sa isang araw (Sa halip na tatlong boiler na tumatakbo ng magkahanay. Ang takbo ng mga ito ay hindi epektibo at wala silang ginagamit na taga-kolekta ng singaw. Ang isang boiler ay magpapahinga habang ang dalawang boiler, na may 5 tonelada/oras na kapasidad, ay tumatakbo ng may 85% kargada para maka-gawa ng singaw na 9 tonelada/oras.) PAGKALKULA NG DISENYO Naandito ang pagkakalkula ng disenyo ng para magawa ang pinaka-akmang taga-kolekta ng singaw para sa pabrikang ito. (Kaso ng Halimbawa –II) (1) Ang kapasidad ng taga-kolekta ng singaw magkarga. Galing sa FIG.-7, alam natin na ang taga-kolekta ng singaw ay 90% na puno ng tubig na nakatayo ng 84% sa lalagyanan at ang serpeys ng tubig ay 73% ng serpeys ng lawak. Ating ipalagay na P1: Pwersa ng Boiler 12 Kg/cm2 P2: Pwersa sa loob ng taga-kolekta ng singaw 4 – 12 Kg/cm2 P3: Pwersa ng pangunahing proseso 4 Kg/cm2. Ngayon, tunghayan natin ang talaan sa ibaba para makita kung ilang Kg ng singaw ang kayang idiskarga sa galing sa M3 ng tubig na asa loob ng taga-kolekta ng singaw. Ito ay naglalaman ng bumababang pwersa P1 – P3. Para sa kaso ng HALIMBAWA-II, tayo ay nabigyan ng markang 69 Kg ng singaw na ididiskarga sa bawat M3 ng tubig na may P1 = 12 at P3 = 4. (2) LAMAN NA TUBIG NG TAGA-KOLEKTA NG SINGAW Galing sa grap ng agos ng singaw, tunhayan natin ang initiman na bahagi ng “PAGKAKARGA” at “PAGDIDISKARGA.” Ang pinakamalaking lambak ay nangyayari ng 6:00AM na may kabuuang lawak na (a) at (h). Pagkatapos tingnan ang initimang bahagi ng pagkakarga at pagdidiskarga, maaari nating ipagpasiya na ang lawak (a) + (h) = mga 4.1 – 4.2 na tonelada ng singaw. Kapag may palugit, sabihin nating kailangang magkarga ng 4.5 tonelada ng singaw. Ikakalkula natin ang tinatayang dami ng tubig ng 4500 / 69 = mga 65 M3. Kung ang tubig ay nago-okupa ng 90% ng lalagayanan, ang bolyum ng lalagyanan ay magiging 65 / 0.9 = 72.2 M3. 3) LAKI NG LALAGYANAN NG TAGA-KOLEKTA NG SINGAW Gamitin natin ang plato na may mala-pinggang dulo. It ay may lawak na 3000 mm. Ang haba ng lalagyanan ay kinekwenta na 72.2 / 3.14 (1.5 x 1.5) = 10.22 M TUNAY NA DIMENSYON NG TAGA-KOLEKTA NG SINGAW..........3000 mm dia. X 10000 mm L (4) BILIS NG PAGDIDISKARGA Galing sa Fig.-(6) maaari na nating ma-kalkula ang bilis ng pagdidiskarga ng ganito: todong marka ng pagdidiskarga sa Kg ng singaw/M2 ng serpeys ng tubig/Oras 208.23 x (P3 + 1) = 208.23 x 5 = 1041.15 Kg/M2/H Ngayon, makukuha na natin ang nakahandang tubig sa loob ng lalagyanan galing sa Fig.-(7). Serpeys ng tubig: (D x L) x 73% = 3 x 10 x 0.73 = 21.9 M2 Marka ng pagdidiskarga: 21.9 M2 x 1041.15 = 22,801.18 Kg/H Sa kasong ito, ang todong tinagong singaw na 4.5 tonelada ay madidiskarga sa P3 = 4 Kg/cm2 na pwersa na may bilis na (4500/22801) x 60 = 0.1973 x 60 = 11.8 min. (5) PORMULA: (BUOD) Para mapagsama ang mga halaga na asa talaan ng singaw, simula ngayon gagamitin natin ang halagang nakasaad sa 5 pahina ng talaan ng singaw na kasama sa mga dokumentong ito. D: 3 “Diameter” o lawak ng lalagyann (M) L : 10 Haba ng Lalagyanan (M) V : 70.65 Bolyum ng Lalagyanan (M3) P1 : 12 Panimulang Pwersa (Kg/cm2) P2 : 4-12 Pwersa ng Lalagyanan (Kg/cm2) P3 : 4 Pwersa ng Pgadiskarga (Kg/cm2) X : 5545.7 Todong Kapasidad ng Pagkakarga (Kg) z : 6029.3 Kabuuang singaw na linambak sa P3 (Kg) S : 21.9 Serpeys ng tubig (M2) w : 63.585 Bolyum ng tubig sa loob ng lalagyanan 9M3) W : w + y 69130.7 Timbang ng Tubig sa P1 (Kg) h1' : 193.22 Ipong Init sa P1 (Kcal/Kg) h3' : 152.13 Ipong init sa P3 (Kcal/Kg) h1”: 502.95 Inimbak na Init sa P1 (Kcal/Kg) h3” : 471.13 Inimbak na Init sa P3 (Kcal/Kg) h1 : 664.34 Kabuuang init sa P1 (Kcal/Kg) h3 : 655.08 Kabuuang init sa P3 (Kcal/Kg) PAGKAKARGA: Tubig sa P3 pwersa ay kayang kumuha ng ilang Kg ng singaw ng P1 pwersa x : (w x h3') + (x x h1) = (w x h) h1' (63,585 x 152.13) + 664.34 x = (63,585 x 193.22) + 193.22 x x(664.34 – 193.22) = 63,585 (193.22 – 152.13) x x (Inimbak na Init sa P1) = 63,585 x (Ipong Init P1 – P3) x = 2612707.6 / 471.12 = 5545.7 Kg PAGDIDISKARGA: Ilang Kg ng sinagaw ang puwedeng madiskarga sa Pagbaba ng pwersa na P1 – P3 z : (w + x) x (h1' – h3') / h3” (Ipong Init sa P1) (63,585 + 5545.7) x (193.22 – 152.13) / 655.08 69130.7 x 41.09 / 471.13 = 6,029,29 Kg DI NAGBABAGONG PWERSA NG SINGAW / NATITIPID SA TULOY-TULOY NA AGOS NG PIYUWELO Kaya patakbuhin ang boiler sa isang partikular na pwersa at marka ng pag-agos. Pinapanatili ito ng lagian ng walang pakialam sa pabago-bagong hinihingi ng linya ng proseso. Ang boiler na tumatakbo sa pirming pwersa ay may epektibidad ng boiler na hindi hihigit sa 5% na mas mataas sa epektibidad ng boiler na tumatakbo ng may pabago-bagong pwersa. Ito ay direktang pagtitipid sa nagamit na piyuwelo at ito ay agad na makikita sa iyong kuwenta ng babayaran. NATITIPID SA GINAGAMIT NA ELEKTRISIDAD Kadalasan, ang boiler na tumatakbo sa pamamgitan ng “coal” ay may masyadong malaking pang-elektrisidad na makina para sa pampwersa at pangsipsip na mga bentilador nitong tumatakbo palagi at walang pakialam sa agos ng singaw na ginagawa ng boiler. Malinaw na ang karamihan ng nawawalang kuryente ay nangyayari pag ang boiler ay tumatakbo ng may mababang awtput sa normal nitong marka. PATAASIN ANG KALIDAD NG IYONG PRODUKTO Ang pirming pwersa ng singaw ay patataasin ang epektibidad ng pagproproseso pati na ang kalidad ng inyong produkto. MABABANG PAMUMUHUNAN SA BOILER Karamihan sa aming kliyente ay pinagdidisisyonan ang kapasidad ng boiler base sa inaasahang kabuuang kargada. Base sa taga-kolektang singaw, ikaw ay makakpili ng kapasidad ng boiler base sa pangkaraniwang kargada, kaya ang presyo na iyong ipupuhanan, presyo ng pag-ayos at pag-alaga, presyo ng operasyon, at presyo ng piyuwelong nagagamit ay magiging mas mabab kesa sa boiler na mas malaki ang kapasidad na tumatakbo ng may pabago-bagong pwersa at marka ng pag-agos. PANGLAHATANG PAGGAWA NG RESERBANG SINGAW Kung ang boiler ay ginagamit sa Panlikurang pwersa na turbino para sa paggawa ng singaw, para sa pagpapatay ng planta, ang kargada ng lakas ay mas matagal mauubos kesa sa kargada ng pinrorosesong singaw. Ang karagada ng kuryente ay magpapatuloy na tumakbo para sa mga opisina, ilaw, kantina, etc., pagkatapos patayin ang mga linya ng pagproproseso. Nagbibigay ginhawa ang pagi-imbak ng labis na singaw para hindi ito masayang. Kung walang taga-kolekta ng singaw, ang singnaw na matitira pagkatapos patayin ang planta ay masasayang. BAKASYON / ARAW KUNG KELAN PANANATILIING EPEKTIBO ANG BOILER Ang nagpaptakbo ng boiler ay kayang isaayos ang boiler para mangolekta ng singaw pagkatapos itong patayin. Dahil dito, ang naimbak na singaw ay puwedeng gamitin sa maraming bagay gaya ng heater, kusina, aircon na di-singaw (ipapaliwanag mamaya), etc. ng hindi pinapatakbo ang boiler. Benepisyal ang gamit na ito ng boiler lalo na pag Linggo at sa iba pang araw na walang pasok. Ang naimbak na singaw ay maaaring gamitin maski na pagkatapos ng 8 araw ng pagpapahinga (tingan ang Fig.-10). MALAKING NATITIPID SA PAG-GAMIT NG DI-SINGAW NA AIRCON (“Absorption Chiller” o Makinang Nagpapalamig) Ang Lithium Bromide na aircon (makinang nagpapalamig)ay gumagamit ng init na galing sa singaw para palamigin ang mga opisina, mga pabrika, at ang palamigan ng prutas at gulay. Kapag ang piyuwelo ng coal ay ginagamit sa para sa boiler na di-singaw, ang presyo ng konsumo ng aircon ay bababa ng 50% habang ginagamit ang sistemang pang-kompresor. Halimbawa, ang isang 2,000 m2 na opisina ay may di-singaw na aircon (“Absorption Chiller” o makinang nagpapalamig) na may kapsidad na 200,000 Kcal/H-240 KW ay nagkokonsumo lamang ng 340 Kg (0.34 tonelada) ng singaw kada oras (pwersa ay 5Kg/cm2). Habang ang taga-kolekta ng singaw ay nakakabit sa rasong ito, ang taga-kolekta ng singaw ay magbibigay sa inyo ng malaking benepisyo at perang matitipid. Puwede kayong magkaroon ng komportableng naka-aircon na opisina, mga kwarto, dormitoryo at kusina ng hindi ginagamit ang boiler. Ang nasabing singaw sa taga-kolekta ng singaw ay dapat naitago sa pangunahing silid ng serye ng singaw, sa tuwing ang pinrosesong sinagaw ay umaakyat. Ang ibig sabihin nito, ang taga-kolekta ng singaw ay epektibong nakakakuha ng enerhiya sa boiler para mapigilan an gang pagtaas ng pwersa ng boiler. Ang pagtaas ng pwersa ay magdudulot ng malaking pagkawala ng enerhiya. Ang singaw na naiipon sa prosesong ito ay pwedeng makapagbigay sa inyo ng mas maliit na gastos. Tinalakay sa huling “Figure” o Pigura na may 50% na matitipid kapag ang pinrosesong singaw ay ginamit para sa aircon. Ngayon, kung ang singaw na galing sa taga-kolekta ng singaw ay ginamit, ang halaga ng matitipid ay magiging mas malaki kesa sa 50%, depende kung gaano ka-epektibong makukuha ng taga-kolekta ng singaw ang enerhiya na maaaring masayang. BUOD Ngayon, alam mo na ang mga konsepto ng IPONG INIT at INIIMBAK NA INIT. “Makakakuha lamang tayo ng benepisyo sa pag-gamit ng INIMBAK NA INIT at hindi ang IPONG INIT kung ang pinrosesong init ang inuugnay sa konsepto. Uulitin ko na pag ang ang pwersa ay bumaba, ang IPONG INIT ng tubig sa pangunahing pwersa ay dapat maglabas ng init para maibaba ang lebel ng IPONG INIT ng bumabang pwersa. At kung ang pwersa ay tumaas, ang IPONG INIT ng pangunahing pwersa ay dapat magdagdagan ang temperature para mapantayan ang IPONG INIT ng tumataas na pwersa. KAPAG NAGLALABAS NG INIT: Ang pagsunog ay nagpapatuloy habang kayo ay hindi nakakakuha ng resulta galing dito dahil ang paglalabas ng init ay galing sa enerhiyang nilalalman ng tubig. Sa oras na iyon, ang kabuuang tubig ay nagpupumilit maglabas ng init para mapantayan ang bumabang pwersa at hindi na muling tumanggap ng DAGDAG NA INIT na galing sa labas. KAPAG NADADAGDAGAN NG INIT: Ang tubig ay magpupumilit magtaas ng temperatura sa pagkuha ng DAGDAG NA INIT para mapantayan ang tumaas na pwersa habang ang pag-gawa ng singaw ay nakatigil sa panahong ito. Ang ganitong klaseng enerhiya ay walang silbi para sa inyo dahil hindi kayo nakakakuha ng singaw sa panahong ito. Malinaw na mas hindi niyo kailangan ang pwersang higit na mataas kesa sa pwersang normal at karaniwang ginagamit. KAPAG NAULIT ANG PAGBABAGO-BAGO NG PWERSA: Dahil hindi niyo kailangan ng mas mataas na pwersa, ang pwersa ay kusang bababa muli. Pag nangyari yun, maraming pwersa ang masasayang. Ito’y magdudulot ng kasayangan sa piyuwelo at ito’y patuloy na mangyayari.

 
Kasaysayan Listahan ng Gumagamit Produkto Talaan ng Sinisiyasat
Go to Top of this page